Manila, Philippines – Hinimok ni PNP Deputy Director General Rolando Mendez ang mga estudyante na huwag sumama sa mga outdoor activities ng kanilang eskwelahan para maiwasang ma-recruit ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Mendez – iwasan ng mga estudyanteng sumali sa mga grupo na pinasok o naimpluwensyahan na ng NPA.
Pinayuhan din ni Mendez ang mga magulang na alamin palagi ang mga extracurricular activities ng kanilang mga anak lalo na kung hindi aprubado ng mga school officials lalo na ang mga social immersion programs, social field work at field trips.
Magugunitang nakatanggap ng ulat ang PNP tungkol sa aktibong partisipasyon ng ilang mag-aaral sa mga aktibidad ng NPA.
Facebook Comments