PINAG-IINGAT | P-Duterte, nagbabala sa mga ‘sparrow unit’ ng NPA

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaganap ng sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa Pangulo, ang pagbabalik ng sparrow unit ay sagot ng NPA sa pagkakakansela ng pamahalaan ng usapang pangkapayapaan.

Ang sparrow unit ang sinasabing hit squad ng NPA na pumapatay ng mga sundalo at pulis.


Dahil dito, pinayuhan ni Duterte ang mga sundalo at pulis na maging maingat at maging mapagmatiyag sa kanilang paligid lalo na sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments