PINAG-IINGAT | Securities and Exchange Commission, nagbabala laban sa isang investment scam

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission ang publiko laban sa isa na naman investment scam na humihikayat sa publiko na mamuhunan gamit ang online o internet.

Nakatanggap ang Securities and Exchange Commission ng impormasyon na may mga indibidwal o grupo ng mga tao na kumakatawan sa Organico Agribusiness Ventures Corporation (“ORGANICO”) na humihikayat sa publiko na mamuhunan sa nasabing entity, sa pamamagitan ng internet.

Batay sa impormasyon na nakalap ng komisyon, ang ORGANICO ay nagsosolicit ng investment , kung saan ang investor ay dapat mamuhunan ng hindi bababa sa 10 shares, ang isang share ay nagkakahalaga ng Php1,800.00, at sa bawat share ang isang investor ay makakakuha Php450.00 tuwing 15 araw o kabuuang Php2,700.00 sa loob ng 3 buwan.


Di umano, ang pera na ipinihunan ay gagamitin upang pondohan ang ibat-ibang negosyo ng kumpanya na kinabibilangan ng: organic farming, organic poultry, organic piggery, restaurant serving organic food, telemarketing, music studio at construction at sa huli isang organic meat shop.

Ang isa pang investment scheme ay ang 90-day investment, kung saan sa bawat Php3,600.00 na ipinihunan o in-invest, ang isang piglet o biik na pinalaki at ibinenta pagkatapos ang tatlong buwan, may balik puhunan ang investor at kikita ng kabuuang Php7,000.00

Ang Organico Agribusiness Ventures Corporation ay hindi nakarehistro sa komisyon bilang isang korporasyon o partnership sa ilalim ng Corporation Code of the Philippines at hindi awtorisadong mag-alok, manghingi, magbenta o ipamahagi ang anumang investment/securities.

Facebook Comments