Aklan – Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Tourism kung maaaring makapag dive sa Boracay sa muling pagbubukas ng isla sa Oct 26.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, makikipag pulong ang ahensya sa Department of Environment and Natural Resources sa darating na September 28 para mapag-aralan kung mapapayagan ang diving sa “soft reopening” ng Boracay Island.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa katatapos pa lamang na Diving Resorts and Travel na ginanap sa isang mall sa Mandaluyong City.
Naniniwala si Puyat na kung madadagdan pa ang mga diving spots sa bansa ay mas dadami ang mga turista na bibisita sa bansa.
Kilala ang Anilao sa Batangas; Puerto Galera, Mindoro; Dumaguete, Negros Oriental; Bohol; Malapascua at Moalbal sa Cebu; Siquijor Island; at Southern Leyte bilang mga sikat na dive spots sa bansa kung saan makikita ang mga nag gagandahang coral reefs, ibat ibang klaseng mga isda, mga pawikan at maraming iba pa.