PINAG-IISIPAN PA | Pagpasok ng ikatlong telecommunications player sa bansa, muling naantala

Manila, Philippines – Muling naantala ang pagpasok ng ikatlong telecommunications player sa bansa.

Nabatid na March 2018 ang deadline sana para sa pagkakaroon ng bagong telecom player.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) OIC Eliseo Rio, inaayos pa nila ang terms of reference para sa proseso.


Aniya, sa Setyembre pa posibleng matapos ang bidding pero wala pang sigurado sa ngayon.

Dagdag pa ni rio, pinag-iisipan pa ng ahensya na dagdagan ang insentibo ang mananalong kumpanya.

Facebook Comments