PINAG-SOSORRY | Estados Unidos, pinahihingi ng paumanhin kasabay ng planong pagbabalik sa Balanginga bells

Manila, Philippines – Pinahihingi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ng patawad ang mga Amerikano kasunod ng planong pagbabalik ng Balanginga bells sa bansa.

Giit ni Zarate, dapat lamang na humingi ng paumanhin ang Amerika sa mga Pilipinong nasawi at sa pinsalang naidulot nito sa Pilipinas.

Ang kampana na ito na nagsilbing trophy war ng Amerika ay patunay aniya ng patuloy na kawalan ng hustisya sa bansa.


Samantala, umaasa naman ang mga kongresista sa Samar na sina Rep. Ben Evardone at Rep. Raul Daza na ang pagbabalik ng Balanginga bells sa bansa ang magiging wakas at makapagbubura na sa nangyaring karahasan noong Philippine-American war.

Iminungkahi naman ni Evardone na sana ay maibalik ang mga kampana bago ang ika-127 taon na Balanginga encounter sa Setyembre 28.

Facebook Comments