PINAGALITAN | Clark International Airport at NAIA officials, sinabon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ipinatawag at nakausap na kahapon sa Malacanang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Overseas Filipino Workers na nagreklamong nanakawan sila ng laman ng kanilang bagahe sa Clark International Airport para personal na humingi ng paumanhin.

Batay sa impormasyon inilabas ng Malacanang ay kahapon nakausap ng personal ni Pangulong Duterte sina ginoong Jovinal Dela Cruz at Ginang Rosemary Verzosa sa Malacanang Park.

Bukod sa dalawang biktima ay ipinatawag din ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International airport, Clark International Airport at mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade.


Pinagalitan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal at nagbanta na kapag ito ay naulit pa ay maghanap na sila ng bagong trabaho.
Nakapagpiyansa na ang mga nahuling nagnakaw at pinaghahanap pa ang ibang kasabwat habang sumasailalim pa sa malalimang imbestigasyon ang pangyayari.

Facebook Comments