PINAGBABARIL | 2, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

8

Negros Oriental – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Guihulngan, Negros Oriental.

Ayon sa pulisya, bumibiyahe noon ang mga biktima na isang magsasaka at isang habal-habal driver sa Barangay Hilaitan nang parahin at pagbabarilin ng tatlong lalaki.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga biktima.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng pamamaril ang anim na empty shell at isang slug ng kalibre .45 na pistol at tatlong empty shell at isang bala ng nine-millimeter na baril.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaril kung saan isa sa tinitingnang anggulo ang posibilidad na may kinalaman ito sa droga.

Facebook Comments