PINAGBABARIL | 2 respondents sa drug case laban sa grupo ni Kerwin Espinos, patay

Manila, Philippines – Kinumpirma ng DOJ na patay na ang dalawang respondents sa drug case laban sa grupo ni Kerwin Espinosa.

Batay anila sa sa certification mula sa Albuera PNP na may petsang March 26, 2018, napatay ng riding-in-tandem sa Sitio Canlugo Barangay Seguinon, Albuera si Nelson Pepito alyas Jun.

Kinumpirma rin ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera na patay narin ang respondent na si Max Miro ng Sitio Tinago, Albuer Leyte.


Aniya, Inlabas ng Albuera Leyte Police ang certification sa pagkamatay ng naturang mga respondents para abisuhan ang Justice Department kasunod na rin ng paglalabas ng subpoena ng DOJ para padaluhin pa sana ang mga ito sa gagawin preliminary investigation sa April 12.

Sa record ng Albuera police, sinasabing pinagbabaril ng naka-bonnet na riding-in-tandem si Pepito noon pang December 1, 2017 sa Sitio Canlugo.

May sulat kamay naman ang subpoena ng DOJ para kay Max Miro na nagsasaad na napatay din ito sa isang police operation ng Ormoc police sa Bgy. Bantigue sa Ormoc City.

Facebook Comments