PINAGBABARIL | Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang barangay chairman matapos itong pagbabarilin sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Joseph Moran na bagong upo pa lamang sa pwesto bilang chairman ng Barangay 100, Zone 100.

Sa initial na imbistigasyon, nakaupo lang ang biktima sa tapat ng baragnay hall nang hintuan ng riding in tandem criminal.


Dito na siya pinagbabaril ng mga suspek na nakasuot ng helmet at naka-facemask.

Nagawa pang maisugod sa hospital si Chairman Moran pero binawian din ng buhay.

Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng mga ito sa pagpatay.

Facebook Comments