Navotas City – Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng dalawang armado at maskaradong suspek sa harap ng nanay nito sa Navotas City.
Sa ulat, tama ng bala sa ulo at katawan ang tinamo ng nasawing biktima na si Jerry Boy Dimaliwat.
Sinasabing nagmakaawa pa ang nanay ng biktima na si Evangeline sa mga suspek pero sapilitang kinaladkad ang kaniyang anak papalabas ng bahay saka ito pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.
Facebook Comments