PINAGBABARIL | Isang negosyante, patay sa pamamaril sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Fuenpong, 66-anyos at may-ari ng isang mini grocery sa Theodoro Street, Sta. Cruz.

Ayon sa Manila Police District (MPD), isang lalaki ang nakitang pumasok sa tindahan ng biktima at binaril ito.


Inaalam na ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments