PINAGBABARIL | Kapitan na kumakanta ng “My Way” – patay

Manila, Philippines -Patay ang isang Barangay Chairman na kumanta ng “My Way” sa kanilang Christmas party sa Tondo, Maynila.

Nakunan pa ng video si Chairman Randy Bong Reyes ng Barangay 104 sa Tondo, Maynila, na nakasuot ng wig at pinapasaya ang ilan sa mga kasamahan niya.

Ayon kay Emmy Roque, kaibigan ni Reyes, may dumating na riding-in-tandem sa kanilang lugar.


Eksaktong pagtapos ng kanta ni Reyes, may lalaking tumawag rito at nang lumingon siya ay agad siyang binaril.

Maliban kay Reyes, kritikal naman ang sidecar boy na binaril din.

Sinabi naman ni Inspector Adonis Sugui, Chief Investigator ng Raxabago Police, droga ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya.

Pero paniwala ng mga kaanak ni Reyes, pulitika ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Facebook Comments