PINAGBABARIL | Konsehal sa Negros Oriental, patay

Negros Oriental – Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang mga suspek sa papatay sa isang konsehal sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Unang pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima na nakilalang si Councilor Edison Dela Rita.

Isa sa mga sinisilip na anggulo ngayon ng pulisya at mlitar ay ang kaugnayan ng mga New People’s Army (NPA) kung saan noong Hulyo 2017, humingi ng tulong ang konsehal matapos itong tambangan sa Barangay Magsaysay.


Sa nasabing insidente noong 2017, mabilis na rumesponde ang Guihulngan City Police na sanhi naman ng pagkamatay ng kanilang hepe na si Police Supt. Arnel Arpon.

Hindi pa naman kumpirmado ng mga otoridad kung mga NPA ang nasa likod ng pagpatay dahil wala pa silang natanggap na pag-amin mula sa mga rebelde.

Facebook Comments