Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa #15 Temporary Housing Barangay 105, Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang hindi pa nakikilang biktima na tatlong araw pa lang nakatira sa nasabing lugar.
Ayon kay Police Chief Inspector Romeo Estabillo, ng Manila Police District Station 1, natutulog ang biktima sa second floor ng gusali nang pasukin at barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktim maging ang motibo sa pagpatay rito.
Facebook Comments