PINAGBABARIL | Mayor ng Ronda Cebu, binaril sa kaniyang opisina

Cebu – Dead on arrival sa ospital ang mayor ng Ronda Cebu na si Mariano Blanco matapos itong barilin sa loob mismo ng kaniyang tanggapan sa munisipyo ala 1:30 kaninang madaling araw.

Apat na mga lalaki na sakay ng isang puting van ang iniulat na pumasok sa munisipyo ala una y media kaninang madaling araw at bumaril kay Mayor Blanco.

Dalawang job order na nagsisilbing watchmen sa munisipyo, ang nag-report sa kanilang tanggapan na tinutokan sila ng baril ng mga armadong lalaki at pinadapa at saka pumasok sa tanggapan ni Mayor Blanco kung saan ito natutulog.


Ilang segundo lang ay nakarinig na nang sunod-sunod na putok ng baril at mabilis na umalis ang apat na suspek.

Kaagad na dinala sa Barili District Hospital si Mayor Blanco ngunit ito ay dead on arrival, habang nagpapatuloy ang imbistigasyon ng kapulisan at pagproseso sa crime scene ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa ngayon.

Noong nakaraang taon ay tinanggalan si Blanco ng police supervision ng NAPOLCOM matapos itong isangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments