PINAGBABARIL | Pulis, patay matapos pagbabarilin; Kasamahan nito, kritikal

Manila, Philippines – Namatay on the spot ang isang pulis habang nasa kritikal na kalagayan na ngayon sa Rizal Medical Center matapos na pagbabarilin sa kagabi sa loob ng Country Lodge Hotel sa Danny Floro Street Barangay Oranbo, Pasig City.

Kinilala ang nasawing pulis na si Senior Police Officer 2 (SPO2) Ernesto Sanchez, Philippine National Police (PNP) member, presently assigned at District Drug Enforcement Unit (DDEU), Southern Police District (SPD) at kritikal naman ang kasamahan nitong si Josebel Polo, 20 years old, single, jobless at residente ng 160 Marinela Street Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa investigation ng Pasig PNP, lulan ng puting Toyota Fortuner na may plakang BEJ 975 ang mga biktima habang nasa loob ng Country Lodge Hotel nang biglang dumating ang mga suspek lulan ng itim na Toyota Revo, na may plakang XAY 567.


Bumaba ang dalawang suspek na armado ng armalite rifle at shotgun pagkatapos dinis-armahan ang gwardya habang ang mga kasamahan ng suspek ay bumaba rin patungo sa sasakyan ng biktima at pinaulanan ng bala ang mga sakay ng Toyota Fortuner kung saan nagtamo ng tama ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na ikinamatay ng pulis.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo ng mga suspek at tinitingnan din ang CCTV upang makilala ang naturang mga salarin.

Facebook Comments