PINAGBABARIL | Retiradong opisyal ng PNP, patay

Antipolo City – Patay ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin kagabi sa Barangay Mayamot sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Senior Supt. Ruel Pama, 59 taong gulang at dating direktor ng PNP Internal Affairs Service.

Ayon sa kinakasama nito, pauwi na sana sila sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal nang dumaan sila sa lugar para bumili ng ulam.


Pero nang pasakay na si Pama sa kanilang sasakyan ay bigla na lamang itong nilapitan ng salarin at saka binaril nang malapitan.

Binaril ulit ng salarin si Pama sa ulo habang nakabulagta na sa kalsada, na naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay.

Away sa lupa ang tinitingnang motibo ng mga kaanak ng biktima dahil may nakaalitan umano ito sa kanilang tinitirhan sa San Mateo.

Facebook Comments