PINAGBABARIL | Tricycle driver, patay

Quezon City – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Roque, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Noel Pacaanas, 37-anyos.

Kwento ng mga saksi, nakasakay ng motorsiklo ang salarin na nakasuot ng face mask at itim na jacket.


Ayon sa asawa ng biktima, nagpaalam lamang ang kanyang mister na magsasauli ng gamit sa isang kakilala.

Aniya, walang kaaway at hindi naman sangkot sa anumang ilegal na gawain ang kanyang mister.

Facebook Comments