PINAGBABARIL | Tricycle Driver, patay sa pamamaril sa Caloocan; Buntis, nadamay

Caloocan City – Patay ang isang tricycle driver sa nangyaring pamamaril sa barangay 187, Tala, Caloocan City.

Ayon sa mga nakasaksi, inaayos lang ni Gilbert Estabillo ang kanyang tricycle sa gilid ng Sunflower street nang bigla siyang nilapitan ng mga suspek saka pinagbabaril.

Nadamay naman matapos tamaan ng ligaw na bala ang isang buntis.


Ayon sa Caloocan Police Community Precinct 4, nasa maayos nang kalagayan ang buntis na agad na naisugod sa Jose Rodriguez Memorial Hospital.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa krimen.

Facebook Comments