PINAGBABAYAD | Tugade – nais pagbayarin ang Xiamen Airline

Manila, Philippines – Nais ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na pagbayarin ang Xiamen Airlines sa danyos na idinulot ng pagsadsad ng kanilang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport noong Agosto 16.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Tugade na dapat bayaran lahat ng Xiamen Air ang actual damages at mga nawalang oportunidad sa pagsadsad ng kanilang eroplano.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring aberya kung saan inaalam na ang kabuuang dapat bayaran ng Chinese airline company.


Una nang nagkasundo ang Xiamen at Civil Aviation Authority sa pagbabayad sa aircraft handling at runway recovery.

Paulit-ulit namang nag-sorry si Tugade sa mga pasaherong naapektuhan ng paghambalang ng Xiamen Aircraft sa runway 06/24 ng naia dahilan upang maapektuhan ang international flights sa loob ng halos dalawang araw.

Facebook Comments