Kinumpirma ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer na si Jeoffrey Borromeo, na natagpuan na ang crash site ng Cessna 152 sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao.
Natagpuan din ang dalawang sakay nito na wala nang buhay.
Ang naturang training aircraft ay may sakay na isang pilot instructor at Indian student pilot.
Ang Cessna plane ay nag-take-off sa Laoag International Airport ng 12:16 PM at inaasahan sanang lalapag sa Tuguegarao City Airport ng 3:16 PM kahapon, August 1 subalit hindi ito nakarating.
Facebook Comments