Pinadalhan muli ng White house ng sulat ang CNN correspondent na si Jim Acosta.
Nakasaad sa sulat na posibleng i-revoke ang press pass ni Acosta sa katapusan ng buwan.
Bilang tugon, humiling ang cnn ng emergency hearing sa U.S. district court dahil nilalabag ng White house ang first at fifth amendments ng kanilang konstitusyon.
Sa statement ng CNN, itinuturing itong panggigipit at pagharang sa malayang pamamahayag.
Iginiit ng news organization na patuloy silang maghahatid ng balita tungkol sa white house at kay U.S. President Donald Trump.
Samantala, tinanggap naman ni Judge Timothy Kelly ang hiling ng CNN na Temporary Restraining Order (TRO) sa desisyon ng white house na haltakin ang access pass ni Acosta.
Facebook Comments