PINAGBAWAL | EDSA Shrine, off limits sa mga raliyista

Manila, Philippines – Mahigpit na ipagbabawal ng Eastern Police District ang pagsasagawa ng kilos protesta sa EDSA Shrine.

Ayon kay EPD District Director PCSupt. Reynaldo Biay sagradong maituturing ang Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine.

Kung kaya’t pakiusap nila sa ibat ibang grupo na huwag nang tangkain pang magsagawa ng demonstrasyon sa Edsa Shrine.


Saka-sakali mang may pasaway paring magkikilos protesta sa Edsa Shrine ay kanila itong pagbabawalan at palalayasin.

Kasunod nito 820 na pulis mula EPD ang kanilang ipapakalat hindi lamang sa EDSA Shrine maging sa People Power Monument.

Samantala, malaya naman aniyang makakapagsagawa ng pagkilos ang mga militanteng grupo sa People Power Monument.

Kung saan hindi na nila kinakailangan pang kumuha ng permit upang ilabas ang kanilang hinanaing sa gobyerno.

Facebook Comments