Boracay – Ipinag-utos ni Environment Sec. Roy Cimatu sa mga security escorts na huwag magdala ng matataas na kalibre ng baril habang binabantaya ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Boracay island.
Sinabi ni Cimatu na pawang mga bagong-talaga sa lugar ang mga sundalong nakita na may dalang matataas na kalibre ng baril habang sinasamahan ang mga taga-DENR na magsilbi ng notices at orders sa mga lumalabag sa environmental laws.
Unang naalarma ang ilang resort owners at residente sa isla dahil sa presensya ng mga sundalo at pulis kasama ng mga taga-DENR na may dalang malalakas na uri ng armas.
Dahil dito, pawang mga pulis na nakasuot ng tourist police uniform ang makaksama ng mga taga-DENR at baril ng mga ito ay nakasukbit na lang sa kanilang tagiliran.