PINAGBIBIGAY | CHR, hinamon ang AFP at PNP na magbigay ng resonableng dahilan para sa third Martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights ang Armed Forces of the Philippines na magpakita ng katanggap tanggap na dahil para maideklara ang Martial law sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, naninindigan ang ahensya na may sapat na kakayahan ang mga security forces para kontrolin ang anumang lawless violence sa katimugang bahagi ng bansa nang hindi na mangangailangan ng batas militar.

Idinagdag ni de Guia na malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na maari lamang magdeklara ng Martial law kung may banta ng invasion o kaya ay rebellion.


Aniya, kung magbibigay ng rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kay Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan na ito ang tunay na nangyayari sa reyalidad.

Facebook Comments