PINAGBIGYAN | Dating Senador Bong Revilla, pinayagang makasama ang kanyang pamilya ngayong pasko

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Senator Bong Revilla Jr. na makasama ang kanyang pamilya sa pasko sa Bacoor, Cavite.

Sa resolusyon ng first division, pinagbigyan si Revilla na makalabas ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula alas-11:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi sa December 24.

Sasagutin naman ni Revilla ang gastos para sa PNP na magsisilbing escort at security niya habang ang gagamiting kuminikasyon ay mahigpit na imo-monitor.


Maliban kay Revilla, pinagbigyan rin ng korte ang parehong mosyon ng dating aide ni Revilla na si Atty. Richard Cambe sa parehong time period.

Facebook Comments