Manila, Philippines – Pumayag muna ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na pumasada bilang TNVS unit ang mga hatchback car.
Ito ay yung mga kotseng bumubukas ang pintuan sa likod at mas mababa sa 1.2 cc ang makina.
Sabi ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada, alam naman nilang may maaapektuhang pamilya kapag ipinatupad nila ito.
Ilalatag din anila sa memorandum circular na ilalabas sa loob ng dalawang linggo ang mas mababang pamasahe sa mga hatchback na TNVS.
Paliwanag ni Lizada, mas mababa naman kasi ang fuel consumption ng mga hatchback kumpara sa ibang kotse.
Dagdag pa nito, limitado rin ang magiging biyahe ng mga ito.
Hindi na rin tatanggap ng mga bagong application ang LTFRB para sa TNVS permit.
Facebook Comments