Manila, Philippines – Pinayagan ng korte sa si Sen Antonio Trillanes IV na makabyahe sa ibang bansa.
Sa kautusan na ipinalabas ni Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alameda, pinaglalagak ng korte ang senador ng P200,000 travel bond para sa bawat byahe niya paalis ng Pilipinas.
Sa kanyang mosyon, hiniling ni Trillanes na payagan siyang makapag abroad mula December 11, 2018 hanggang January 12, 2019 at mula January 27 hanggang February 10, 2019.
Si Trillanes ay dadalo sa Disyembre dadalo sa mga aktibidad sa Amsterdam, Barcelona at London.
Sa Enero, makikipagpulong naman ang senador sa mga opisyal ng ibat ibang grupo at institusyon sa California, Washington at Maryland sa US.
Nakabinbin sa Makati RTC Branch 150 ang kasong rebelyon ni Trillanes kaugnay ng Manila Peninsula Seige noong 2007.