Manila, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa aktor na si Cesar Montano na magbitiw bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB).
Napag-alaman na noong isang linggo pa kinausap ni Duterte si Montano para sabihang magbitiw na ito sa puwesto.
Naki-usap pa umano si Montano na kung puwede ay sa Hunyo na siya magre-resign ngunit sinabihan siya ng pangulo na gawin ang kanyang pagbibitiw sa lalong madaling panahon.
Kasunod na rin ito ng kontrobersiyang kinkaharap ni Montano dahil sa P80-milyong bayad para sa “buhay carinderia” project ng TPB.
Facebook Comments