PINAGHAHANAP | AFP, tinutugis ang bagong lider ng Maute group

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng Armed Forces of the Philippines ang tumatayong bagong lider ng Maute-ISIS Terror Group sa bansa.

Sabi ni Colonel Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, si Owayda Benito Marohamsar alyas Huwam at Abu Dar ang tanging buhay sa grupo ng mga lider ng Maute na nakita sa video na nagpa-plano ng pag-atake sa Marawi City.

Ayon pa kay Brawner, nagre-recruit ngayon si Abu Dar ng mga gustong maging miyembro ng Maute group kapalit ng P70,000 bilang paunang bayad.


Nabatid na nakatakas si Dar sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi para kumuha ng reinforcement noong mga panahon ng matindi ang sagupaan sa lugar.

Pero dahil pinaigting ang batas militar sa Marawi kaya hindi na nakabalik si Dar na wanted sa kasong rebelyon at may P3 milyong pabuya kapag nahuli.

Kasabay nito, tiniyak ni Brawner na may nakakalat na silang intel officers sa mga tent cities kung nasaan ang mga Bakwit.

Facebook Comments