PINAGHAHANAP | Lalaki, kritikal matapos ma-hit and run ng isang SUV sa Ermita, Maynila

Manila, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang driver ng isang SUV na naka-hit and run sa isang lalaki sa Ermita, Maynila.

Sa ulat, papatawid sana ang biktimang si Ferdinand Gerardo sa Lawton Avenue nang bigla itong mabunggo ng rumaragasang SUV na may plate number na WHV-798.

Sa halip na hintuan, mabilis na pinatakbo ng driver ang kaniyang SUV at inawang walang malay ang biktima.


Inabot naman ng isang oras bago dumating ang emergency team kung saan agad nilang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima na ngayon nasa kritikal na kalagayan.

Facebook Comments