PINAGHAHANAP NA | 100 thousand pesos reward para sa ikadarakip sa Dinalupihan Bataan murder at parricide case suspect

Bataan – Naglaan na ng pabuya o reward money ang LGU dinalupihan para sa impormasyong na magbibigay daan sa pagkakadakip sa pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa mag-inang biktima sa Barangay San Simon, Dinalupihan Bataan nitong nagdaang Biyernes.

Ayon kay Mayor Maria Angela Garcia, naglaan ang kaniyang tanggapan ng P100,000 para sa makakapagturo para madakip si Rosel Solano Adrias alyas Ariel Solano Dakila na siyang pangunahing suspek sa pagpaslang sa kaniyang asawang si Joy Adriano Dakila at ina ng biktima na si Betty Trinidad Adriano.

Selos at problemang pinansyal ang ilan sa motibong tinitignan ng otoridad na nagtulak sa suspek para pagsasaksakin ang asawa at paluin ng sangkalang kahoy ang kaniyang biyenan.


Ang sinumang may impormasyon ay pinapayuhang tumawag sa Dinalupihan PNP sa mga cellphone number 0998-598-53-59 at 0917-876-60-70.

Facebook Comments