PINAGHAHANAP NA | 4 pang pulis ng MPD, nakaladkad sa kaso ng pangingikil

Manila, Philippines – Pinaghahanap na rin ngayon ang apat pang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) matapos makaladkad sa isyu ng pangingikil sa mga drug suspects sa lungsod ng Maynila.

Nauna rito, sumugod ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force, PNP-Intelligence Group at MPD sa opisina ng Drug Special Operation Unit Office.

Kasunod ito ng sumbong na pangingikil ng DSOU personnel sa ilang drug suspects na kanilang pinagdadampot sa Sta. Mesa, Maynila.


Nauna nang inaresto sina PO1 Erdie Bautista at PO1 MJ Cerilla habang pinaghahanap pa sina PO3 Michael Chavez,
PO3 Dindo Encina,
PO1 Arcadio Orbis, at
PO1 Martinico Mario.

Batay sa sumbong, humihingi ang naturang mga police officers ng 100,000 kapalit ng pagpapalaya sa mga drug suspects.

Nagkatawaran pa umano kaya naibaba ito sa P50,000.

Dahil sa sumbong, naikasa ang entrapment operation.

Sa nangyaring operasyon ay nailigtas ang mga inarestong katao.

Lumitaw din na hindi nailagay sa official blotter entry sinasabing pag-aresto.

Sina PO1 Erdie Bautista and PO1 MJ Cerilla ay dinala na sa CITF HQs para sa kaukulang documentation at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.

Facebook Comments