PINAGHAHANAP NA | Isang lola, nabiktima ng budol-budol gang sa Maynila

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga miyembro ng budol-budol gang na nambiktima ng isang lola sa Maynila.

Sa ulat, bukod sa perang nagkakahalaga ng P20,000.00, natangay din ang mga alahas ng biktimang si Teresita Pacis.

Kwento ng biktima, dalawang babae ang kumausap sa kaniya habang naglalakad siya sa Onyx Street at nakuha ang kaniyang loob.


Kasama pa ng biktima ang mga susek na mag-withdraw ng pera nito sa bangko bago hinimok na kunin niya sa bahay ang kaniyang mga alahas.

Nang mabigay ang mga alahas, inabutan umano ng mga babae ang biktima ng bundle ng pera at sinabihang babalikan siya pero hindi na ito nangyari.
Namalayan na lamang ni Pacis na pad paper lang pala ang inabot sa kaniya kung saan umaasa siyang nakuhanan sa CCTV ang itsura ng mga suspek para agad itong maaresto.

Facebook Comments