Caloocan City – Pinaghahanap na ang isang preso na nakatakas sa kaniyang mga bantay na pulis sa loob ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City.
Kinilala ang nakatakas na bilanggo na si Leonardo Retiro na residente ng Barangay San Agustin ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon, dumaing ng pananakit ng tiyan si Retiro at nagsisigaw kaya inilabas siya ng detention cell.
Habang hinihintay ng bantay na si Police Officer 3 Ernesto Estrella ang mga kasamahang pulis para dalhin siya sa ospital.
Humingi ng tubig na maiinom ang bilanggo kay Police Officer 3 Estrella kung saan kumuha naman ito pero pagbalik ng pulis ay wala na si Retiro at tuluyan ng nakatakas.
Facebook Comments