PINAGHAHANAP | Oil tanker na may sakay na 22 crew, nawawala sa Gulf of Guinea

Gulf of Guinea – Pinaghahahanap ngayon ang isang barko sakay ang 22 Indian crew matapos na mawala sa Gulf of Guinea.

Huling nakita ang Marine Express Tanker na may kargang 13, 500 tonelada ng gasolina noong Biyernes ng madaling araw sa karagatang sakop ng Benin, West Africa.

Pinangangambahang sinalakay ng mga pirata ang barko kasunod na rin ng pagtaas ng kaso ng pamimirata sa Gulf of Guinea.


Sa inilabas na ulat ng International Maritime Bureau (IMB) nito lang Enero, sampung insidente ng kidnapping sa Nigerian waters ang naitala noong nakaraang taon kung saan 65 crew ang biktima.

Facebook Comments