PINAGHAHANAP | Sekretarya ng isang kompanya, dinukot ng mga armadong lalaki sa Zamboanga Sibugay

Zamboanga Sibugay – Dinukot ng pitong di pa nakilalang armadong mga lalaki ang isang empleyado ng marine product sa Malangas, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktima na si Laarni Bandi 38-anyos, may-asawa at isang secretarya ng Cebeles Marine Product.

Pwersahang kinuha ng mga kidnapper ang biktima habang ito ay nasa boarding house ng kanyang kaibigan na si Mrs. Adilaida Bayno sa Purok Maabiahon Poblacion Malangas, Zamboanga Sibugay.


Sumakay ang mga kidnapper at ang biktima sa isang motorized pump boat na papuntang Muyong island.

Nagpapatuloy naman hanggang sa ngayon ang rescue operation ng pinagsanib na pwersa ng Zamboanga Sibugay mobile force company at Philippine Army.

Facebook Comments