PINAGHAHANDA | Gobyerno, pinaghahanda sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso

Manila, Philippines – Pinaghahanda ni Kabayan Representative Ciriaco Calalang ang gobyerno kung patuloy pa rin ang pagbaba ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Calalang, batay sa forecasts ng mga government officials at private sector analysts maaaring tumagal pa sa P53 hanggang P54 ang palitan ng piso sa kada dolyar.

Ito aniya ang dapat na paghandaan ng pamahalaan dahil apektado ng pagtaas ng piso ang pagtataas ng singil sa krudo, pagkain, kuryente, tubig, mobile phone charges at internet services.


Sinabi ni Calalang na para maiwasan ang mabigat na epekto ng pagbagsak ng piso ay maaaring magbigay ang pamahalaan ng shock absorber tulad ng tax amnesty para sa macroeconomic at sa consumer levels.

Iminungkahi din ng kongresista na palakasin ang mga bangko lalo na sa rural areas, magtatag ng fuel reserves, palakasin ang local source ng raw materials, hikayatin ang mga malls na magtinda ng mga locally-made products at palakasin ang investments at savings ng mga OFWs, BPOs, exporters at tourism sector.

Facebook Comments