PINAGHAHANDAAN NA | DOT, nakikipagtulungan na sa DOLE para sa pansamantalang trabaho ng mga manggagawa sa Boracay kapag isinailalim na ang isla sa rehabilitasyon

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Tourism ang posibleng epekto ng pansamantalang pagsasara ng ilang establishemento sa Boracay Island bunsod ng isasagawang rehabilitasyon doon

Ayon kay DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo P56B ang kitang posibleng mawala sa Boracay kapag isinagawa na ang restoration sa isla kung kaya’t nakikipagtulungan na ang DOT sa Department of Labor and Employment para sa paglilipatang trabaho ng ilang manggagawa.

Sa ngayon, may koordinasyon na ang DOT Regional Office VI sa local government units para ma-relocate ang maaapektuhang mga empleyado.


Base sa datos ng DOT nuong isang taon mayruong 17,737 ang mga nagttrabaho sa ibat ibang hotel & resort sa Boracay at karamihan sa mga ito ay mula sa Cebu, Negros, Manila at iba pang probinsya sa Luzon.

Paliwanag ni Teo ang mga maaapektuhang trabador ay maaari munang sumali sa pag-demolish ng mga illegal structures at konstruksyon ng bagong sewage system at road infrastructure sa isla.

Pinag aaralan narin ng DOT ang tax holidays at incentives para sa business at mga employees na maaapektuhan.

Kaugnay nito matapos ang 6 na bwang rehabilitation sa Isla ipapakilala sa buong mundo ang new and improved Boracay.

Facebook Comments