PINAGHANDA | NFA, nagpreposition na ng bigas sa harap ng epekto ng habagat

Manila, Philippines – Sa harap ng tuloy tuloy na mga pag ulan dahil sa pinaigting na Habagat dala ni bagyong Henry, Pinaghanda na ng National Food Authority ang Operations Center nito para i-preposition ang suplay ng bigas sa mga disaster prone na lugar.

Tiniyak ng NFA na makakaasa ang publiko na may sapat na bigas na handang ipamahagi sa mga relief agencies at local government units sa panahon ng pangangailangan.

Inatasan na ni NFA administrator Jason Aquino ang mga field offices at mga bodega ng ahensya na maging bukas 24/7 para mabilis na makatugon sa distribusyon ng bigas sa mga magiging biktima ng kalamidad.


Idinagdag ni Aquino na hindi na magkukulang ng stocks ng bigas laluna sa panahon ng kalamidad .

Nakapagpakalat7 na ang ahensya ng 197,400 metric tons or 3.9 million bags ng bigas na naipakalat mula sa 250,000 MT na government-to-government na inangkat mula sa Vietnam and Thailand.

Ang balanseng 52,600 MT ay inaasahamg dumating bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Facebook Comments