Manila, Philippines – Pinaghihinalaan ngayon ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na natanggal sa serbisyo o yung mga AWOL na nasa likod ng pagkakalat ng fake news laban sa Philippine National Police (PNP).
Paliwanag ni General Albayalde nasabi nya ito dahil mga pulis rin ang nakakaalam ng mga istilo ng mga kriminal na nakasaad sa fake news.
Una nang sinabi ni PNP Spokesman Senior Superintendent Benigno Durana, na vinerify nila ang mga kumakalat na mensahe sa text at social media tungkol sa mga umano ay panghohold-up sa mga restaurants ay pawang mga walang katotohanan.
Iniutos na rin ni General Albayalde na inatasan na aniya niya ang PNP Anti-Cyber Crime Group na i-trace ang pinanggagalingan ng fake news para matukoy kung sino talaga ang nasa likod nito.