Pinaghihinalaang mga miyembro ng Gun for Hire sa Lungsod ng Pagadian Patay sa Engkwentro ng mga pulis

1997

Pagadian City, Zamboanga del sur—–Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng gun-for-hire group ang napatay matapos umanong maki-pagbarilan sa mga pulis sa Purok Diwalwal, Brgy. Dao sa Lungsod ng Pagadian.
Ang isang napatay nakilalang si Aivan Mercado, habang ang isang kasamahan nito ay nakilalang si alyaw Jay-ar na sakay ng isang motorsiklo.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay Psupt. Kiram Jimlani, hepe ng Pagadian City Police Station bago nangyari ang engkwentro dakong alas-10:00 ng umaga kahapon, ay hinabol ng mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion 9 intelligence operatives ang mga suspek dahil hindi huminto ng kanilang sinita hanggang sa makorner ang mga ito sa naturang lugar.
Pinutukan ng mga suspek ang mga pulis na walang tinamaan kaya’t gumanti ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.
Narekober rin sa mga napatay na mga suspek na si Alyas Jay-Ar at Aivan ang isang kalibre 45 na baril, tumanggi muna ang mga otoridad na isiwalat ang tunay pagkakakilanlan ng mga suspek batay sa mga ID na nakuha sa kanila. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)

Facebook Comments