Pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf – nadakip sa bayan ng Tubigon, Bohol

104

Bohol, Philippines – Nadakip ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group kaninang alas-8 ng umaga, matapos itong humingi ng pagkain sa isang mag-asawa sa Barangay Tan-Awan, bayan ng Tubigon, lalawigan ng Bohol.

Ayon kay PO2 Leonel Riche Labores, desk officer ng Tubigon Police Station, na kinilala ang nadakip sa pangalang Abu Saad, driver umano ng pumpboat na ginamit ng grupo pagpasok ng lalawigan.


Sinasabi na humingi umano ng pagkain ang sugatan na si Abu Saad sa mag-asawang magsasaka sa nasabing lugar.

Dahil sa kanilang paghihinala, matapos itong kumain ay kanila itong dinakip ang iginapos saka nila tinawagan ang kapitan ng kanilang barangay na si kapitan Mario Pala na siya na ring nagbigay alam sa mga pulis.

Nakuha mula kay Abu Saad ang isang 45 caliber pistol na may anim na bala.

Kasalukuyan ngayong naka-detain sa Tagbilaran Police Station si Saad kun saan nakabantay rin ang kasundaluhan at mga miyembro ng SWAT.

 

Facebook Comments