
Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos makuhanan ng 1.99 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Burgos Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA RO1), bandang alas-5:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng umaga noong January 22, 2026.
Kinilala ang suspek ay itinuturing isang Street Level Individual, 23 anyos at residente ng Burgos, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang 1.99 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na nagkakahalaga ng ₱13,532.00. Isa sa mga ito ang ginamit bilang buy-bust item habang ang isa ay mula sa ilegal na pag-iingat ng suspek.
Bukod sa ilegal na droga, narekober din ng mga operatiba ang iba pang ebidensya.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakuhang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng suspek at ng mga mandatory witnesses, alinsunod sa itinakda ng batas.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Burgos MPS habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










