
Arestado ang isang 32 anyos na lalaki matapos masamsam ang 1.28 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang tricycle driver at residente ng Basista, Pangasinan na kinilala bilang Street Level Individual.
Batay sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at nasamsam mula sa kanya ang pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na 8,704 pesos.
Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang mga non-drug evidence.
Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










