PINAGIISIPAN PA | Operasyon ng jueteng, tuloy parin hanggang walang nakikitang kapalit – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi pa niya pinalalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na sugal partikular ang jueteng sa bansa.

Matatandaan na una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kung tatanggalin niyang tuluyan ang jueteng ay mawawalan ng economic o commercial activity sa lugar na magiging dahilan ng pagkagutom ng ilan.

Paliwanag pa ngayon ni Pangulong Duterte, pinagiisipan pa ngayon kung ano ang ipapalit sa jueteng sa oras na palakasin ng pamahalaan ang kampanya laban dito.


Kailangan aniyang magkaroon ng mas malakas na livelihood program ang pamahalaan para mayroong pagbabalingan ang naglalaro ng jueteng.

Pero kung hindi aniya gagawa ang pamahalaan ng paraan o programa para mapalitan ang economic activity na ibinibigay ng jueteng ay baka sa iligal na droga mapunta ang mga ito at magoperate nalang ng drugs sa mga lokalidad.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na pinaguusapan na sa gabinete ang mga programa para tugunan ang issue ng jueteng sa bansa.

Facebook Comments