PINAGKAKAKITAAN | NPA, sangkot din sa kidnap for ransom – PNP

Manila, Philippines – Nasasangkot na rin ngayon ang ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kidnap for ransom.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, makaraang maaresto ang suspek sa pagkakapatay sa isang opisyal ng PNP anti-kidnapping Group na si Donato Jacob.

Ayon kay Dela Rosa, hindi lang pagpatay at pangongotong ngayon ang kinasasangkutan ng ilang NPA maging ang pangingidnap at pagpapatubos dito para kumita.


Inihayag ni Dela Rosa na umamin mismo si Jacob na siya ay commander ng bagong hukbong bayan- Bulacan Chapter

Itinuturing ni Bato na malaking isda si Jacob dahil bukod sa pagiging NPA leader nito na sangkot sa kidnap for ransom at kabilang sa nakapatay sa isa sa pinakamahusay nilang pulis.

Facebook Comments