Manila, Philippines – Walang nakikitang masama ang Palasyo ng Malacañang sa pagiimbestiga ng Presidential Anti-Corruption Commission kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Lumutang kasi ang Pangalan ni Bello sa issue ng katiwalian dahil sa usapin ng OFW IDs kung saan sinisingil ang mga OFW para mabigyan nito gayong libre naman umano ito dapat na ibinibigay.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi nila panghihimasukan ang trabaho ng PACC at bahala na ito sa kanilang ginagawa.
Pero sinabi ni Roque na natatamasa parin ni Bello ang Trust and Confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nananatili pa ito sa kanyang posisyon bilang kalihim ng department of Labor and Employement.
Facebook Comments