PINAGKUKOMENTO | SEC, pinasasagot ng Court of Appeals sa petisyon kaugnay ng pagkansela sa certificate of incorporation ng Rappler

Manila, Philippines – Pinagkukumento ng Court of Appeals (CA) ang Securities And Exchange Commission (SEC) sa petisyon ng online news site na Rappler na kumukuwestiyon sa pagkansela sa kanilang certificate of incorporation.

Sampung araw ang binigay ng CA 13th division sa SEC para maghain ng kumento.

Binigyan naman ng appellate court ng limang araw ang Rappler para tumugon sa magiging sagot ng SEC.


Una nang ipinag-utos ng SEC ang pagpapasara sa Rappler dahil sa paglabag anila nito sa konstitusyon nang ipaubaya sa dayuhang Omidyar Network Fund ang pagkontrol sa operasyon ng online news site.

Iginiit naman ng Rappler na nalabag ang kanilang right to due process dahil pinagkaitan sila ng procedural rights sa ilalim ng SEC Rules of Procedure.

Facebook Comments